Purgatoryo: Behind the Scenes Look
Ang Purgatoryo ay isang antolohiya na aking nilikha simula pa noong 2003. Ito ay kwento ng isang mundo kung saan nagtatagpo ang kaluluwa ng mga namatay, mga engkanto at mga nilalang ng kabilang buhay. Narito ang ilang trivia tungkol sa Purgatoryo:
1. Ang babaeng tutulong kay Adam sa kwento ay pinangalanang Vikhoune (pronounced as vi-kun) sunod sa pangalan ng isa kong kaibigan mula sa Laos.
2. Ang numero ng kwarto ni Adam sa hotel ay numero ng cabin ko sa barkong Nippon Maru noong mag-cruise kami sa Southeast Asia for SSEAYP, taong 2003.
3. Isa sa mga inspirasyon ng kwento ay ang pelikulang Matrix, hence the dark undertones of the story.
4. Isinulat ang Purgatoryo upang maisali sa short story category ng Palanca Awards for Literature. Kaya lang, lumawak nang lumawak ang kwento nina adam at Vikhoune, hanggang hindi na siya short story.
5. Ang Purgatoryo ay isang work in process. Patuloy na isinusulat, wala pang ending.
July 1st, 2007 at 8:51 am
nabasa ko yan dati, pLot pa Lng.. pLot pa rin ba ngyon luya? hehehe, nut from the pLot, hmm, better say synopsis of the story, i know its good, pLus the fact na c kuya marLon ang sumusuLat..