Archive for October, 2006

END OF SEASON TWO

Tuesday, October 31st, 2006

          Another chapter ends today.

          I was promoted at work. I got the Luna citation. And just minutes ago, I finished writing Indrapura. My head remains shaved, so you know what that means. I’ve got my social life back. I’ve made new friends and received new foes too, i guess.

          So, what’s next?

          Well, that’s the beauty of life. You don’t know what’s gonna happen tomorrow. The future is unknown. To hope for the best is what we can do. We pray. Blessings may come. Challenges and trying times too. You just got to have a "bring it on" attitude.

          Now that i am a Subject Matter Expert at work, the pressure is ever mounting. I’m coaching five trainees, each having a distinct personality. I’ve heard rumors that some people are even questioning my promotion. My work shift is also a challenge in itself. Imagine going to work at 3am. That’s a first.

          Indrapura’s premier is justa few weeks away. The production is really big, unsurpassed by any of our previous plays. It was a really difficult piece to write. I hope it can find its place up there with its predecessors. I’m excited to see how the audience would react to the darkest chapter of the trilogy.

          One sad thing happened, though. I’m back to smoking. As in Back. Oh, I know I disappoint a lot of you. It just happened.

          I’m excited to know what will happen when Season Three opens in a few week’s time. Magiging success kaya ang Indrapura? Matutuloy kaya kami sa pagpunta sa Sagada? Magpapahaba ba ulit ako ng buhok? Will I decide to quit smoking again (for the nth time)? Will i crack under pressure at work?

          See you all in a few weeks. I love you all.

Acceptance Speech

Wednesday, October 18th, 2006

          Ang buhay talaga, parang roller coaster. May mga peaks, may mga lows. Ibang klaseng byahe.

          Isang yugto na naman ang malapit ko nang wakasan sa aking blogs. ‘Di ito nangangahulugan na dapat tayong malungkot, dahil isang napakagandang balita ang natanggap ko kahapon lamang. Ang promotion na akala ko’y nawala na sa akin noon dahil sa isang pagkakamali, ay nakuha ko na rin sa wakas!!!

          Hanggang ngayon ay ‘di pa rin ako makapaniwala. Alam ko na naging sobrang higpit ng kompetisyon. Halos nawawalan na ako ng pag-asa na makukuha nga ako. Galing ako ng break kahapon nung makita ko na nagga-gather ang mga tao sa conference room, the way they usually did when announcing certifications and promotions. Nung makita ko na pumasok yung ibang mga katulad kong aplikante, medyo nanlumo ako. Bakit hindi ako ipinatawag? Hindi ba ako kasali dun? Nalungkot na ako.

          Pagkatapos, nakita ko lumabas ang Operations Manager namin sa conference room at naglakad papunta sa direksyon ng station ko. Halos tumalon ang puso ko. Lumapit siya sa akin at tinanong ako kung on-call ako. Sabi ko na on-break ako. Tapos pinapunta niya ako sa Conference Room. Kinabahan na ako. Oh my God! Ano ito? Is this it?

          When the meeting started, Brian, our Operations Manager, the same person who didn’t want me to get certified before because of what happened nung training, announced my name first on the list as a new Subject Matter Expert to the account. Wuhoooo. Everybody in the room was shaking my hand and congratulating me. Sarap ng feeling! Finally, wala nang suspense! Finally, I got what i was aspiring for.

          There are so many people i would like to thank for this achievement. Unang-una na si Shiela, na nagpakilala sa akin sa VXI at namilit sa akin na sa American Express mag-sign up. We both dreamed of getting this post. I believe we both deserve it. But fate had other plans. Shiela, para sa ating dalawa ‘to.

          Kina Kat, Ira, Claire, Boggs, Greggy, Real, Dennis, Alex at Girlie na siyang naging sandalan ko nung dark moments ko in the early months of this year, maraming salamat din. Kayo ang nagbigay sa akin ng inspirasyon at pag-asa na kumapit at magpatuloy nung mga panahong give-up na ako.

          Sa lahat ng Magwayen, salamat sa unconditional love ninyo sa Founder ninyo. Maraming beses nang naging pasaway ang Kuya Marlon ninyo, gayong ako dapat ang maging pinaka-steady sa ating lahat. Salamat sa pag-unawa at ‘di pang-iiwan. Mahal na mahal ko kayo.

          Sa mga kasamahan ko sa trabaho, sa Team Leader ko na naniwala sa akin, kay Lorenz na trainor ko at sa mga coaches ko before, sina Bei, Joel, kai, Michelle and Lyneth, salamat sa guidance, encouragement at prayers. Sa mga Wave 5, salamat sa confidence ninyo sa akin. Naitayo ko na ang bandila ng batch natin!

          Sa management, especially kina Mark, Sir Carlo at Brian, salamat sa pagtitiwala. Salamat sa oportunidad at pagkilala sa aking kagalingan at commitment sa trabaho kahit mag-aapat na buwan pa lamang ako sa VXI. Asahan nyo na hindi ko kayo bibiguin.

          Finally, kay Lord. Thank you po sa napakagandang blessing na ito. Sa inyong lahat na nauubusan na ng pag-asa, wag kayong bibitaw. Just have faith. God designed this roller coaster for you. Just enjoy the ride!!!

Ang Pagbabalik sa Sultanata

Wednesday, October 18th, 2006

Last week ng  November ang premiere ng bagong play ng Magwayen - ang INDRAPURA. Ito ang huling yugto sa trilogy ng mga epikong isinalin para sa entablado ng dramatics guild ng Magwayen. Ang una ay yung "Bidasari" na ipinalabas noong 1999. Sumunod ay yung "Prinsipe ng Marulaya" na itinanghal noong 2005. Napakataas ng expectations sa Indrapura dahil kapwa naging successful ang mga naunang yugto ng trilogy. Marami na ang nag-aabang sa dula na tinaguriang magdudugtong sa dalawang kwentong una nang inilahad sa mga estudyante ng Pamantasan. Asahan ninyo na magiging makulay ulit ang produksyong ito - mula sa mga costumes, hanggang sa set designs. Isang linggo bago ang pagtatanghal, abangan rin ninyo ang launch ng trailer ng play sa ticket booth na matatagpuan sa PLM Lobby. ‘Wag magpahuli sa pagpapareserba at pagbili ng inyong ticket. Ipapalabas ang indrapura sa Justo Albert Auditorium sa November 29, December 1 and 2, 2006. Magkita-kita tayo at sabay-sabay balikan ang Sultanata ng Indrapura.

The Suspense Kills

Sunday, October 15th, 2006

We’re still waiting for the results of the promotions. Ang dami naming nag-apply, and lahat magagaling. May nagsabi sa akin na 12 daw lahat ang aspiring for the position, and apat lang ang kukunin. When i tried to narrow down the list, my chances looked very slim. Yung isa, binigyan na ng Management ng assignment to do supplementary training for several groups of agents. Lahat bilib sa taong ito kasi napaka-humble, mabait, at talagang magaling. Yung dalawang Q.A. , mukhang may edge, kasi mastered nila lahat ng monitoring skills, na very essential for the post. Kami, 1 day lang nag-coach sa mga trainees sa floor. Sila, mga three or four days, i think. Yung iba pang applicants, lamang sa akin pagdating sa grades.

Pero okay naman yung demo na ginawa ko. Sa iba, isa lang ang nag-assess. Sa akin, dalawa. Yung training manager and yung isang head trainor. I had very little time to prepare. Pero sobrang ganda ng naging outcome. Marami magagandang feedbacks. According to them , i presented the best module among all the presentations. May mga negative din, syempre. Pero the way they gave those, sabi nila mga points that i need to improve on daw when i’m already on the job. O, di ba, parang may gusto ipahiwatig, hehehe.

Baka this coming week ay malaman na namin ang resulta. I know I’ve said before na handa na ako sa anumang outcome ng application ko. Pero ngayon, i so want it na. I think i wanna prove something this time. I think i’d be disappointed if i don’t get the job.

Senyales yata ito na malapit nang magtapos ang Season Two ng blogs ko, hehehe. Magandang season finale kung victorious ba ako o luhaan at sugatan na naman ang pride. Ating abangan.

If…

Sunday, October 15th, 2006

If I had my life to live over, I’d dare to make more mistakes next time. I’d relax; I’d limber up. I would be sillier than I have been this trip. I would take fewer things seriously. I would take more chances. I would climb more mountains and swim more rivers. I would eat more ice cream and less beans. I would perhaps have more actual troubles, but I’d have fewer imaginary ones.

You see, I’m one of those people who lived sensibly and sanely hour after hour, day after day. Oh, I had my moments, and if I had to do it over again, I’d have more of them. In fact, I’d try to have nothing else. Just moments, one after the other, instead of living so many years ahead of each day. I’ve been one of those persons who never goes anywhere without a thermometer, a hot water bottle, a raincoat, and a parachute. If I had it to do over again, I would travel lighter than I have.

If I had my life to live over again, I would start barefoot earlier in the spring and stay that way later in the fall. I would go to more dance; I would ride more merry-go-rounds. I would pick more daisies.

Worth A Second Try

Thursday, October 5th, 2006

          Naunsyami noon ang pag-asa ko na mag-apply for promotion sa work because of a careless mistake I did during training. Hindi naman ako devastated pero medyo disappointed nga lang. Nakuntento na ako na mahal ko ang mga kasamahan ko sa trabaho at masaya ako sa lugar na pinapasukan ko.

          Pero kagabi, gumawa ako ng letter of intent, applying for the post i wanted. Sobrang dami ng encouragement na natanggap ko from my team mates. Pati yung trainor at mga coaches ko before sobrang bilib pa rin sa akin. Pero ang nakaka-boost talaga ng confidence ay ang recommendation na binigay sa akin ng Team Leader ko. So, it’s official. I’m now a candidate for promotion.

          There will be an interview, an exam and a demo. Mamaya after shift ang exam ko. I’m quite nervous, but also optimistic. Masarap mag-expect, lalo na’t marami ang sumusuporta. Ang sa akin lang, handa ako sa anumang magiging resulta ng attempt ko for promotion. Ang hindi ko kasi mapapayagan ay yung hindi i-grab ang opportunity at madagdagan ang listahan ko ng mga "what-ifs" at "what-could-have-beens".

          I’m keeping my fingers crossed. Help me in praying po.

Skwala

Thursday, October 5th, 2006

          Isang linggo na matapos ang bagyong Milenyo, wala pa rin kaming kuryente sa Blumentritt. Walang ilaw, walang tubig, walang preskong pwesto na matutulugan. Kaya isang linggo na rin akong halos trenta minutos lang ang tulog kada araw. Isang linggo nang lukot ang damit ko sa pagpasok. At isang linggo na ang tambak ng maruruming damit na di malabhan. Isang tumpok ang mga dvd na di mapanood. Isang linggo nang napipilitang pumasok ng maaga para lang maki-charge ng cellphone.

          Naisip ko, sa pagsapit ng gabi at nagkakasya kami sa ilaw ng kandila, ganito siguro ang buhay sa liblib na baryo. O di kaya’y sa skwala (skwater). Dahil walang ingay ng telebisyon at radyo, ingay ng mga nagbubungangang kapitbahay ang maririnig mo. Dahil lahat ay mahina ang tulo ng gripo, nag-aaway ang mga tao sa pagpila sa tumatagas na tubig sa bakanteng lote sa aming tapat. Nakakatakot lumakad sa dilim ng gabi. Pakiramdam mo, bigla na lang may tututok ng kutsilyo sa iyo at kukunin ang pitaka’t cellphone mo. Saan ka man magpunta, galit ang mga tao. Minumura ang Meralco. Minumura abng NAWASA. Minumura ang gobyerno. Minumura ang mga taga-kabilang baranggay na ayaw magpakabit ng extension para may masaksakan man lang ng electric fan para sa mga may bata sa bahay.

          Ganito pala ang pakiramdam ng maging skwater. Isang linggo na akong skwater. Konti na lang, baka nagmumura na rin ako.

Indrapura

Monday, October 2nd, 2006

          Malapit na malapit na ang pinakaaabangan ng lahat! Ang pinaka-malaking produksyon ng Magwayen. Ngayong Nobyembre na! INDRAPURA!!! Makulay na mga costumes! Magarbong set designs! At isang ‘di malilimutang kwento ng pag-ibig. Ito ang nalalabing yugto sa trilogy. Kung pina-iyak ka ng Bidasari noong 1999, at kung pinahanga ka ng Prinsipe ng Marulaya noong 2005, tiyak na muli kang mamamangha sa pagbabalik sa sultanata ng Indrapura.