Archive for September, 2006

Mga Updates ng Season Two

Friday, September 22nd, 2006

          Okay, so hindi ko nga nakuha yung promotion sa VXI. Hindi ako malungkot. It’s no devastating news. I don’t feel ready rin naman to assume more responsibilities at work. Masaya at kuntento na ako na appreciated lahat ng contributions ko sa team.

          Hanggang ngayon, may Luna Award hangover pa rin ako. Tumaas ang ratings ng second season sa blog entry about my attendance at the awards night. MARAMING SALAMAT PO sa lahat ng nagtext, tumawag, kumamay, yumakap para bumati. Sabi ko nga kina Ate Bele at Kuya Malvin, mas feel ko na ngayon yung victory kasi ang dami nang mahahalagang tao sa puso ko ang ka-share ko sa tagumpay na nakamit ko.

          Hindi na ako kasali sa team na susulat ng Basol. Sayang. Pero, ganun talaga e. Hindi lahat maaaring mapasa-iyo. Masaya ako na kasali pa rin dito ang kaibigan kong si Yay. Siguro, dapat na pagtuunan ko na ng pansin ang pagtapos sa Indrapura. Matagal nang hinihingi ng Magwayen ang script ng bagong play na ito. Sa November pinaplanong ipalabas ito. Pagkatapos, gagawa ulit ako ng isa pang screenplay. Horror ulit.

         

Affirmation

Friday, September 22nd, 2006

          Kudos sa lahat ng mga new members ng Magwayen. Napakahalaga ng taong ito, at napaka-importante ng papel na inyong gagampanan upang masiguro at mapanatili ang pamamayagpag ng ating samahan sa loob ng Pamantasan. Kahit na pilit tayong pinupulaan at iniintriga ng ibang taong nasa kapangyarihan ay ‘di pa rin tayo natitinag. Nakawin man nila sa atin ang ating Adviser, ipitin man ang ating mga papeles, takutin o hiyain man ang ilan sa atin sa harap ng ibang tao para lang magpabibo at magpapogi, nakatyo pa rin tayo at naninindigan.

          Pinira-piraso na natin ang Panday, ipinakita na natin kung sino ang tunay na malaya. Iisa pa rin ang Tunay at Opisyal na Theater Group ng PLM!

          Sa mga sumubok na kami’y sirain, at mangangahas pang sumubok sa hinaharap, sige lang. Makikita nyo pa rin kaming magkakabigkis ang mga kamay, nagtatanghal, nagbubunyi. Kudos Magwayen!

Diary of a Starstruck Kid

Saturday, September 16th, 2006

          Pagdating ko sa Casino Filipino, inabutan ko sa lobby na sakay ng karwahe si Eula Valdez. Inaabangan na siya ni John Lapus sa red carpet para interbyuhin. Hindi ako nag-stay dun para panoorin sila or abangan kung sino pang mga artista ang darating. ‘Di ko lang kasi alam kung dun rin ako sa red carpet dapat dumaan. Hahaha.

          Sa cocktail area, ang una kong nakasalubong ay si Adolf Alix. Nakakatuwa kasi inapproach niya ako, kinamayan at kinausap. ‘Di ko na nagawang kumain kahit nagugutom na ako. Uminom nga lang ng iced tea e nanginginig na ang kamay ko sa paghawak ng baso. Grabe na ang nerbyos at excitement na nararamdaman ko.

          Nalulungkot ako dahil wala akong kasama, kahit isa man lang. Wala tuloy akong maka-usap. Naisip kong humingi ng souvenir programme. Ang sarap basahin ng paulit-ulit yung section na dinedicate nila for the Scriptwriting Contest winners. Kaso, nung magsawa ako, mag-isa pa rin ako sa upuan. Wala akong katabi na mababahagian ng sayang nararamdaman ko.

          Ang tagal bago nagsimula yung awarding. Ayun si Irma Adlawan o. ‘Di naman pala mukhang katulong sa personal, hehehe. Buti pa si Adolf, may mga kasama. Ayun sila, three rows in front of where i sat. I was quite surprised nung lumapit sa akin si Lito Casaje, isa sa mga storyline winners. Niyaya niya ako na maupo sa ibaba. Konti lang daw kasi ang audience at para samasama raw lahat ng mga contest winners. Pumayag naman ako. Uy, sina Aiza Marquez at Aaron Villana, ayun lang sa may bandang kanan! Si Bella Flores nasa harapan lang namin.

          Sina Bong Revilla at lani Mercado ang first pair of hosts. They tried to chitchat with the audience, kaso wala namang pumansin sa kanila, hehehe. Nakakabilib ang mga artista. Magaganda at gwapo na sila pag nakikita ko sa tv at big screen. Pero pag sa personal pala, nadodoble pa.

          Tinawag na kami sa backstage, kami na raw ang next na tatawagin. Hala, sa may pintuan, nakatambay si John Lloyd Cruz. Gwapings, ang puti ng mukha. Tinitigan pa nga ako e. Gusto yata ng away, hahaha. Sa waiting area backstage, nandun ang magkapatid na De Rossi. Sobrang slim ni Assunta. May isang taklesa na make-up artist, sabi kay Assunta para daw isda ang gown niya, hahaha. Si Alessandra, bumabangka ng kwento. Katabi niya si Ms. Cherrie Gil. Gusto kong lumuhod at sumamba sa sobrang ganda ni Cherrie. Noon naman tyempong inubo yung isa sa mga kasama kong winners. Lagot, walang tubig! Inoffer ni Cherrie yung mineral water niya. Akala ko isasaboy niya sa mukha nung kasama ko at sasabihin niyang "You’re nothing but a second rate, trying hard copycat!" Hahaha. Sayang, hindi nangyari.

          Pag-alis nina Alessandra, naupo sa mesa nila si Dennis Trillo. Gwapings din, sobrang puti ng mukha. Parang ang sarap hilamusan ng putik. Alam ko sikat siya. Nagtataka ako bakit walang pumapansin sa kanya. Wala kumakausap sa kanya kaya binasa na lang niya yung nutritional facts sa karton ng tissue, hahaha.28_claudine

          Si Direk Joel Lamangan ang nag-intro para sa mga screenplay winners. Si Direk Jose Carreon naman ang nag-abot sa amin ng certificates. Todo ang ngiti at project ko sa stage. Di ko kasi alam kung aling camera ang kumukuha kaya nag-play safe na lang ako at sa gitna humarap.

          Sabi nung isang staff, iinterbyuhin daw kami ni Eula para sa chitchat segment ng programa. Kaso, ilang beses kaming pinabalik-balik, pero wala namang nangyari. Nagkaroon lang tuloy ng opportunity para makakita pa ko ng mraming artista. Si Ricky davao at raphael Martinez, magkatabi at nag-uusap. Hmmm… May nagaganap kaya? Hehehe. Si John Lloyd, nagpalit na, naka-barong na. Parang umiiwas na ng tingin, natakot yata sa akin. Si Eddie Garcia, ang ganda ng suot na Filipiniana. Nakabaston na ang lolo. Oy, ka-eksena ko yan sa ICU BED No. 7! Sina Phillip Salvador at Jinggoy Estrada, barkadahan portion ang eksena sa isang sul65369795_0abf2f84be_mok. Si Paolo Paraiso, nagcecellphone sa hallway. Mukha naman palang artista pag sa personal. Sa TV kasi, mukhang wala lang. Si Claudine Barretto, wow!!! Gusto ko ulit lumuhod at sumamba! Ganda ng idol ko. Si Dennis Trillo, wala pa rin kumakausap. Si Izza Calzado, ipit na ipit ang boobs sa suot na gown. Si Christine Reyes, ibang-iba ang itsura, mas maganda.

          Sa wakas, natuloy ang interview sa amin. Syempre pa, tumabi talaga ako kay Eula, para laging pasok sa frame ang mukha ko. Halos fifteen minutes yata kami naka-standby bago dumating yung cue na kami na ang isasalang sa camera. Saan ka pa!? Unang tanong pa lang ni Eula, ako na agad ang bumanat ng sagot. Fifteen seconds of fame, hahaha. Tumatakbo sa isip ko nung mga sandaling yun, "Shit! Nagmamantika na siguro ang kalbo kong ulo! Buong Pilipinas, mapapanood ang oily kong mukha!" Hahaha.

          Sabi nung staff, wag daw kami umalis. Aakyat pa raw ulit kami ng stage kasama ng mga Luna Award winners. Si Zsa Zsa Padilla ang Best Actress, si Marvin Agustin namZsazsapadillaan ang Best Actor. Si Direk Joel na Best Director, gusto kong iprotesta, hehehe. Sa backstage, binati kami ni Zsa Zsa.  Kinukwento niya na nasaktan si Dominic Ochoa sa pagsampal niya dito sa shooting ng Bituing walang Ningning. Si Marvin may malaking pimple sa batok. Ang wallpaper sa cellphone niya ay ang kambal niya. Sa stage, mini-mimic ni Jolina ang estatwa ng Luna.

          Paglabas namin sa stage, naramdaman ko na ibang level na talaga! Napapalibutan ako ng mga artista. Ang daming camera na nagpa-flash sa harap. Nalito na naman ako kung saan titingin, kaya play safe ulit. Si Gina Alajar, nasa likod ko. Bahala siya dun, hahaha. Sa kanaShow2n ko, nagbubulungan sina Ricky Davao at Michael De Mesa, nilalait ang pagkakamali ng staff nang mali ang pangalang tawagin nung magpresent kanina sina Mylene Dizon at Rudy Fernandez. Si Caridad Sanchez, nasa harapan ko. ‘Tong matandang to, umeksena pa ng iyak kanina, halata namang akting lang. Si Dennis, nandun sa kabilang dulo, wala pa ring pumapansin, hahaha. Si Claudine kasama pa rin si John Lloyd sa rostrum. Si Jolina, ‘di yata alam ang meaning Filipiniana. Si Alvin Anson ang katabi ko, panay ang kausap at bati sa akin. Si Nathan Lopez, lalakeng-lalake, ‘di gaya ng role niya sa maximo Oliveros. Yung iba kong co-winners, nasaan na ba? A, bahala sila. i-eenjoy ko lang tong moment na to. Todo ang ngiti ko. Nagpapalakpakan ang audience. Inenjoy ko lang din marinig yun.

          Parang panaginip lang ang lahat.

Ang Lalakeng Walang Pahinga

Saturday, September 16th, 2006

        Para akong zombie, naglalakad at kumikilos na halos blangko na ang isip. Parang robot na unti-unti nang namamatay ang baterya. Wala pa kasi akong tulog o pahinga. Galing ako ng trabaho nung Huwebes ng gabi, tapos dumiretso ako agad sa PLM para suportahan ang Magwayen sa kanilang Live Act. Buong maghapon nila ako kasama. Ang plano ko, matutulog ako during some of the shows. E kaso, makakatulog ka ba naman kung atat kang ulit-ulitin ang palabas ng mga bata. Ayun tuloy, lalo lang nabawasan ang energy ko dahil tawa pa rin ako ng tawa sa mga gags nina Ronald, Byron, Marvin A., Ampol, Robel, JV, Marvin H., at Mars. Nung papagabi na, bigla namang nagplano na bigyan ng surprise birthday party ang dear friend ko na si Real. Nagtalo tuloy ang isip ko kung papasok ako ng trabaho o hindi. In the end, nagtext ako sa supervisor ko at nagsabi na aabsent ako. Mas pinili ko sumama sa party nina Real kasi doon, pagkatapos ng kainan at inuman, pwede pa ako matulog.

        Kaya lang, hindi rin ako nakatulog doon. Idlip lang siguro na sobrang babaw at paputol-putol. Pero ‘di pa rin tatagal ng kinse minutos. Hanggang sa sumikat na naman ang araw. Wala na akong oras para umuwi at magbihis. Buti pala, the previous day, dumaan ako ng SM para bumili ng briefs. Naligo na lang ako at dumiretso ng PLM. 9:00 am ang appointment ko kina Richard para sa leadership training seminar ng mga CME students. Impromptu na ito! ‘Di ko na nagawa magplano ng module. Hanggang alas dose ng tanghali ang team building activities na ginawa namin.

        And then i had lunch with Girlie. Nahihilo na talaga ako sa antok at pagod, pero napanlalabanan ko pa. Usap kami ng beloved friend ko about her upcoming trip to Bohol with Fred sa October. We also talked about wedding invitations na ‘di pa namin nare-receive, or ‘di namin alam kung mayroon nga talagang darating. After kumain, finally, naka-uwi ako. Marami pang dapat gawin. Maghanap ng slacks na itim. Mag-plantsa ng barong. Lumaklak ng Red Bul, hahaha.

        In fairness, nakatulog ako ng mga isang oras. ‘Di pa sinasadya yun. Nagising ako, alas-kwatro na. Dun pa lang ako nakaligo at nakapagsimula nung mga dapat kong gawin. Hala! Nawawala yung sapatos kong balat! Wala ring plantsa! Haaay! Buti na lang dumating ang bunso kong kapatid na si Myra. She saved my day.

        Sabi sa invitation ng FAP, 5:00 pm daw ang Luna Awards. Nag-LRT ako, kasi advise ng kasamahan ko sa trabaho, sa Baclaran daw ako bumaba at dun na lang mag-taxi papunta sa Casino Filipino sa Paranaque. Eto na ang malupit! Pagbaba ko ng Baclaran station, parang Divisoria ang dinatnan ko. Puro tindahan, masikip na daan at mga jeep na ipit sa trapik ang bumungad sa akin. Naglakad ako. Naglakad ako na parang walang katapusan ang paglalakad at walang kasiguruhan ang patutunguhan. Dumidilim na. Trenta minutos na lang bago mag-alasais. Kuwarenta’y otso oras na akong gising!!!

Speechless

Thursday, September 14th, 2006

Never Lose Hope

Thursday, September 14th, 2006

          Looking back on what I said all those years ago, all the hopes and dreams I had, I’ve come to the conclusion that if having things turn out the way you wanted them to is a measure of a successful life, then some would say I’m a failure. The important thing is not to be bitter over life’s disappointments. Learn to let go of the past, and recognize that every day won’t be sunny. And when you find yourself lost in the darkness of despair remember, it’s only in the black of night that you see the stars, and those stars lead you back home.

          So don’t be afraid to make mistakes, to stumble and fall, because most of the time the greatest rewards come from doing the things that scare you the most. Maybe you’ll get everything you wish for. Maybe you’ll get more than you ever could have imagined. Who knows where life will take you. The road is long and in the end, the journey is the destination.

Sulat para sa Mga Ka-TUGON Ko

Thursday, September 7th, 2006

Marami ang nagtatanong kung ano ang pinagmulan nung huling blog na sinulat ko (Magwayen: Tugon ba o Hindi?). Marami ang nabahala. Ito na ba ang katapusan ng walong taong kapatiran ng Tugon Rescue at Magwayen? Tuluyan na bang maghihiwalay ng landas ang dalawang grupo?

Ang sagot ay hindi.

Mapalad ako na malagay sa posisyong napaka-impluwensyal sa magkabilang samahan. Mapalad ako sa pagkakataong mahubog ang dalawang grupo ng mga estudyante sa magkaibang paraan - ang isa’y politikal, at ang isa’y pang-talento. Nakatanim sa puso ko lahat ng prinsipyo ng dalawang grupo, dahil ang mga prinsipyong ito’y magkapareho lamang. Mahal ko ang mga Tugonista. Mahal ko ang mga Magwayen. Walang higit na mas matimbang. Wala akong pinapanigan.

Sa mga ka-Tugon ko, nais kong manawagan sa inyo na manatiling mulat ang puso’t isipan sa maraming taon ng magandang samahan ng Magwayen at Tugon. May ilang tao na nagtatangka na namang gumitna at paglayuin tayo. Wag nating hayaang mangyari ito.

Magwayen: Tugon Ba o Hindi?

Tuesday, September 5th, 2006

          Matagal nang issue ang pagkiling (o hindi pagkiling) ng Magwayen sa Partidong Tugon. Paulit-ulit na ginagawang issue, kinukwestiyon! Nakakasawa na! Nakakarindi! May mga tao yata talagang bulag lang talaga o sadyang puno ng malisya ang isipan kung kaya ang isang issue na hindi naman talaga dapat gawing issue ay patuloy na ginagawang intriga.

          Ang nagtatag ng Magwayen ay isang Tugonista. Ang mga taong tumulong sa pagtataguyod ng grupo nung mga panahong ‘di pa ito makatayo sa sariling mga paa ay mga Tugonista rin. Karamihan sa mga miyembrong nagsipagtapos na ngunit aktibo pa ring sumusuporta sa grupo ay mga Tugonista.  Marami sa mga kasulukuyang miyembro ay miyembro rin ng Tugon.

          Bakit kailangan pang kuwestyunin? Bakit kailangan pang dungisan ang magandang samahan ng intrigang iilan lamang ang may pakana? Nananahimik na ang Magwayen. Walang pag-iimbot. Dumidiskarte ng tama. Walang sinasagasaan, walang tinatapakan. Mahirap ba para sa inyong unawain ang napakasimpleng bagay na ang Magwayen ay hindi isang politikal na grupo? Hindi ako naniniwala na insecure ang Tugon para mangailangan pa ng assurance na Tugonista ang Magwayen. Tugon is FAR BETTER than that. Tugon is Tugon, nandyan na yan for 2 decades. It’s far greater than Magwayen. Makakatayo, maninindigan, mamamayagpag kahit wala ang Magwayen.

          Pero, the fact is, katabi nito ang Magwayen, kasama, kaagapay. Sa puso ng Magwayen, iisa lamang ang sister organization nito sa PLM. Sa isip at diwa ng Magwayen, magkahalintulad ang mga pamantayan at mga prinsipyo, mga panananaw at mithiin ng dalawang organisasyon. Hindi na kailangan ng kumpirmasyon para lang pagtibayin ang punto ng matibay na samahan. Ito ang samahang pilit mong pinupulaan, niyuyurakan.

          Ikaw ang magtanong sa sarili mo? Gaano katagal ka na ba sa Tugon? Gaano kalalim ang Tugon sa puso mo para magyabang ka na isa kang Tugonista at mag-asta na parang ikaw na ang sentro ng Tugon at ang boses mo ay boses ng dalawang dekada ng mga miyembro nito? Hindi isang tulad mo ( o tulad nyo) ang sisira sa magandang samahan ng Magwayen at Tugon. Mag-isip-isip ka! Magwayen ang taong humubog sa iyo, nagturo sa iyo maging lider na Tugonista nung mapulot ka nung magsimula ang taong ito. Sa ginagawa mo, hindi lang mga Magwayen ang sinasaktan mo kundi mga Tugonista na Tugonista na nung nagre-recess ka pa lang sa first year high school.

          So, kumikiling ba o hindi? ‘Di ko kailangang sagutin? Alam ng isang TUNAY na Tugonista ang kasagutan.