Archive for August, 2006

Season Two

Thursday, August 24th, 2006

          Season Two. A new beginning.

          Last week, right after i closed the first chapter of my blogs, a lot of things happened. At work, I received an executive complaint from one of the card members of American Express. The guys at Greensboro emailed the management here in Makati. Presto, all my hopes for a promotion were all gone. Sobra akong devastated. Hindi na ako sigurado kung mase-certify pa ako. The Operations Manager didn’t want me to step out of training. From being one of the batch’s topnotcher, bigla akong naging notorious pasaway sa mata ng mga big boss. Wicked twist of fate talaga ang nangyari.

        Pero hindi ako nagpatalo. Kinabukasan, nagsindi ako ng isang yosi, pangtanggal ng tensyon. Pagka-ubos ng isang stick, matapang na ulit ako. Pinagbuti ko ang trabaho. ‘Di ako nagpaapekto kahit pakiramdam ko ay mainit sa akin ang management. By the end of the week, I met all the qualifications to pass the training. All i had to do was wait for the results of the deliberation. And the wait was worth the while! The people I trusted - my trainor, my coaches, who never stopped believing in me - ipinagtanggol nila ako sa management. Ang ending, I got certified. Finally, i felt vindicated.

          Okay, so I did lit up a cigarette. I’m sorry. It was needed at that moment. Minsan, napipilitan kang gawin ang isang bagay na ayaw mo at alam mong mali, para mairaos ang lungkot at sama ng loob. Kagaya lang yan ng pag-inom ng alak, kahit ‘di ka naman lasenggo. Kagaya rin yan ng one night stand, kahit loyal ka sa partner mo. (Hehehe, kelangan talaga na dalawa pa ang analogy para lang i-defend ang point).

          O, eto na ang pinaka-matinding highlight ng nakaraang linggo, at pinaka-exciting na bungad sa pilot blog ng Season Two. Real and I were commissioned to write the script for an indie film to be directed by Neil Daza. Basol ang working title. Wala pang finality ang lahat, pero tinatapos na namin ni Yay ang storyline. ‘Pag nagustuhan ng producer at ng direktor, all set na.

          Life is such a roller coaster. Daming ups and down!

Ang Pagwawakas

Monday, August 14th, 2006

          Sa linggong ito ay akin nang wawakasan ang unang aklat ng aking blog. Ngunit pansamantala lang naman ang aking magiging pamamaalam. Mga pitong araw siguro, hahaha.

          Sa pagbubukas ng ikalawang aklat, marami kayong dapat abangan. Mase-certify ba ako sa trabaho at makakamit ang pinakaaasam na promotion? Mabibigo ba akong muli sa pag-ibig at magpapakalbo nang tuluyan? Mapapanindigan ko ba ang pagtigil sa bisyo ng sigarilyo o muling magsisindi at hihitit? Maisasapelikula na ba ang script ko na Sapi at sa wakas ba’y magiging scriptwriter na ako for film and TV?

          Ilan lang yan sa mga kapana-panabik na mga eksenang dapat nyong abangan sa susunod na linggo. Kilalanin din ang mga bagong tauhan na babago sa aking buhay.

          (malamang nga ay tama ka. epekto lahat ito ng nalalapit na pagtatapos ng Sa Piling Mo at My Girl, hahaha)

Mi Corazón Quebrado

Saturday, August 12th, 2006

          Yung mga taong sobrang close sa akin, alam nila ang tunay na dahilan tuwing magpapakalbo ako. Unang beses na nagpakalbo ako ay nung 2002. Alam ni Yay kung bakit, hehehe. Nagulat lahat sa Victory Party ng Tugon pagdating ko sa Comic Lab. Maraming nagtanong kung anong pumasok sa isip ko at ibinuhos ko sa buhok ang topak ko. Kahit anong pagsisinungaling ko, ‘di ko pa rin naikaila na dahil yun sa kabiguan sa pag-ibig. Yung iba, pag heartbroken, naglalasing, tumataba sa kakalamon, nagtatangka mag-suicide, nababaliw. Ako, nagpapakalbo.

          Ngayon, tila maninibago na naman ang lahat. Isa sa mga araw na ito, baka kalbo na naman ako. Makikipaglamay na naman sa akin si Regine Velasquez habang isa na namang pag-ibig ang aking ililibing. ‘Di bale sana kung ang sugatang puso ko’y maghihilom nang singbilis ng paghaba ng buhok ko.

          Iiyak ako. Malulungkot. Mangungulila ng labis. Pero ‘di ako mababaliw. ‘Di ako magwawala. ‘Di ako papakamatay. E ano kung iwan mo ako. Buhok lang ang katapat mo.

Sa Aking Mga Fans, Bwahahaha

Saturday, August 12th, 2006

          Marami ang nagtatanong kung bakit hindi na ako ganun kadalas magsulat dito sa blog ko. Ang dami na palang sumusubaybay, hehehe. Nakakataba ng puso. Ganun siguro talaga ang mga writer, nagkakaroon lang ng fulfillment ‘pag alam niyang may mga nakaka-appreciate at bumabasa ng anumang isulat niya.

          Yung mga katrabaho ko nga at mga ka-Magwayen, lahat na yata nilapitan ko para lang ipabasa ang mga screenplays na ginawa ko. Alam ko kasi na matagal pa yung araw na magiging ganap na akong writer sa pelikula (kung dadating man ang araw na yun, hehehe), kaya yung mga script ko ay ihinihingi ko na lang ng approval sa mga kaibigan. Iba-iba ang mga comments. Merong nagpapa-ulan ng papuri. Meron ding ‘di ma-gets yung gusto kong sabihin. Meron ding mga ‘di natatakot magbigay ng points for improvement (’di daw yun negative comments, pilit nila).

          Sa lahat ng mga naniniwala sa angkin kong galing at talino, maraming salamat. Ilang ulit na akong nag-thank you, sa text, dito sa blog, sa email, sa phone, at sa personal. Kayo ang nagpapanatili ng alab sa puso ko para manatiling pursigido sa pangarap na ito. Kayo ang aking inspirasyon. Wala akong ibang hangad kundi ang makapagsulat upang mapasaya kayo.

Usapang Trabaho (Medyo Boring ‘To)

Saturday, August 12th, 2006

Last week was good. I got Qualified at work. Only nine from our team of seventeen may proceed to the Certification Week. Ang sarap ng feeling kasi nagbunga ang pagpupursigi ko sa trabaho. Sabi nga ng coach ko bago siya magpaalam, maging consistent lang ako para mapansin ng management ang efforts ko. My goal now is to get certified first and finish the training. Mag-aaspire ako for promotions pero ‘di ko mamadaliin. Alam ko naman na dun din papunta ang lahat ng ito. I feel confident that the management will recognize deserving people and reward them accordingly. Sabi ng Coach ko, konting hasa na lang at pwede na rin akong maging Subject Matter Expert. Sabi naman ng mga co-trainees ko at nung Core Skills Trainors ko, I have a lot of potentials to become a good trainor. Ako, masaya ako sa kintatayuan ko ngayon. Walang pressure. Malaya ako na ma-express ang sarili ko. Marami akong kaibigan, ‘di lang basta katrabaho. Anuman ang naghihintay na bukas sa akin, sigurado ako na magiging maliwanag at makulay yun. Magdadalawang buwan na ang nakakaraan, nagmumukmok lang ako sa dilim. Pero ngayon, lahat ng yun ay tila isang masamang panaginip na lamang. Ang sarap ng pakiramdam. Ganito ang mabuhay. (Bottomline: Masarap sumweldo ulit.)