Today I turned 27.
Naaalala ko nung namatay si Rico Yan. Kabababa lang namin ng Banahaw noon. Good Friday. Lahat ng bahay na madaanan namin, siya ang laman ng telebisyon. Nung mga sumunod na araw, tuloy pa rin ang coverage ng burol niya. Libu-libo ang mga taong pumipila sa La Salle makita lang ang mga labi niya. Kaliwa’t kanan ang mga artistang nagpapa-interview, puro magaganda ang sinasabi sa kanya. Namatay siya sa edad na 27. Habang pinapanood ko ang lahat ng ito, naisip ko, he has lived a full life at 27. Nasaan kaya ako sa edad na yun?
Well, nandito na ako. Nakarating na ako sa edad na 27. Have I lived a full life? Honestly, I don’t know. Or perhaps, I’m afraid to think that I haven’t. Tama ang sabi ng iba, life is tough. But I am a survivor. Marami nang pagsubok at kabiguan ang aking nalampasan, pero eto, nakatayo pa rin ako.
Nung magbalik ako sa call center, sabi ko sa ilang kaibigan ay ipapahinga ko na ang pangarap ko na maging screenplay writer. Ngayon, narealize ko na mali pala na gawin yun. God has blessed me many times in the past. Kahit may mapapait na kabanata sa buhay ko, may matatamis na sandali rin. Mahilig kasi ako magbilang, kaya imbes na ma-enjoy ko ang buhay, ginawa ko itong scoreboard para sukatin kung hanggang saan na ang naabot o gaano na kalalim ang kinalugmukan ko.
Handa na akong tumingala ulit. Handa na akong muling mangarap. Kunsabagay, ano’ng saysay ng buhay na walang nais puntahan. Ngunit sa pagkakataong ito ay nanamnamin ko na ang byahe papunta dun. Para kung di ko man marating ang nais kong kalagyan, may napala naman ako sa bawat sandaling gugugulin ko sa paglalakbay. Ayon nga sa kasabihan, it’s not the destination that matters, it’s the journey to get there.
Ipagdiwang natin ang buhay!!!